Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong murder at itinuturing na Number 1 Municipal Most Wanted Person at Top 5 Provincial Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Fatima, General Santos City noong Agosto 14, 2026.
Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director ng Police Office 11, ang naarestong suspek sa alyas na “Etik,” 24 anyos, walang asawa, laborer, at residente ng Barangay San Jose, General Santos City na dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinatupad ng mga tauhan ng Police Station 7, katuwang ang tracker team ng Jose Abad Santos Municipal Police Station sa kasong Murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code na walang inirekomendang piyansa.
“Patuloy nating paiigtingin ang paghahanap sa mga wanted persons upang maihatid sila sa tamang proseso ng batas. Ang bawat pagkakaaresto ay hakbang tungo sa mas ligtas at mapayapang komunidad,” pahayag ni PBGen Manibog.



