Php760K halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasabat ng PRO 10 sa Misamis Occidental; 2 indibidwal, arestado

0
23

Nasabat ng mga tauhan ng Police Regional Office 10 ang nasa Php760,000 halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo at arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang checkpoint operation sa Barangay Eastern Looc, Plaridel, Misamis Occidental nito lamang Lunes, Agosto 10, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N. Abrahano, Regional Director ng PRO 10, ang mga suspek na isang 22-anyos na lalaking driver, residente ng Kasanyangan, Zamboanga City, at isang 52-anyos na lalaki, magsasaka, may-asawa, residente ng Barangay Bangco, Titay, Zamboanga Sibugay, na nahaharap sa kasong Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.

Narekober sa naturang operasyon ang nasa 950 reams ng Red Berlin na hinihinalang smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng Php760,000 mula sa sasakyan ng mga suspek na isang Toyota Innova.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Misamis Occidental Police Provincial Office, BCP Plaridel, 1st Misamis Occidental Provincial Mobile Force Company at Plaridel Municipal Police Station.

 “This operation sends a clear message that PRO10 will remain vigilant against the illegal entry and transport of smuggled goods. We will continue to strengthen our intelligence-driven operations and checkpoints, particularly along strategic entry and exit points in the region,” saad ni RD Abrahano.

Source: Police Regional Office 10-RPIO

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply