Mahigit Php677K halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasabat ng PNP-Maritime Group sa Davao City

0
25
Screenshot

Nasamsam ng mga tauhan ng Regional Maritime Unit 11 (RMU 11) at Davao City Maritime Police Station ang 15 master cases, 47 reams, at anim na pakete ng hinihinalang smuggled Green Hill cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng PhP677,960.00, sa isinagawang operasyon noong Agosto 10, 2026 sa Brgy. 27-C, Davao City.

Isinakatuparan ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad mula sa isang confidential informant hinggil sa umano’y pagbiyahe ng mga sigarilyo gamit ang isang puting Suzuki minivan.

Sa koordinasyon ng mga opisyal ng barangay at Bureau of Internal Revenue (BIR) XI, isinagawa ang inspeksyon at imbentaryo. Ang mga nasamsam na ebidensya ay pansamantalang nasa kustodiya ng RMU 11 habang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa turnover ng mga ito sa BIR XI.

Alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” patuloy ang follow-up investigation ng PNP-MG upang matukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari ng naturang mga smuggled na sigarilyo at sasakyan, kabilang ang nararapat na mga kasong kriminal at administratibo para sa mga ito.

Source: https://www.facebook.com/share/p/19Trmu7MEE/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply