Php408K halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska ng mga awtoridad sa Palanas, Masbate

0
16

Isang 54-anyos na lalaki na itinuturing na High-Value Individual ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng mga law enforcement units sa isinagawang buy-bust operation dakong alas-6:04 ng gabi noong Agosto 10, 2026 sa Palanas, Masbate.

Kinilala ang suspek na may alyas na “Raymund,” may asawa, vendor, at residente ng Dimasalang, Masbate.

Pinangunahan ang operasyon ng ODRDO-RPDEU5 bilang lead unit, katuwang ang Palanas Municipal Police Station, PIU-PPDEU at PDEA Masbate Provincial Office.

Nakumpiska mula sa suspek ang 15 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, kabilang ang siyam na malalaki, dalawang katamtaman at apat na maliliit na sachet, na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 60 gramo at tinatayang street value na Php408,000.00.

Bukod sa hinihinalang ilegal na droga, narekober din ang Php1,000 marked money, isang pakete ng Mighty cigarette, isang Realme cellphone at dalawang lighter.

Isinagawa ang search at inventory sa presensya ng suspek at mga mandatory witnesses, habang dalawang Body-Worn Cameras ang ginamit upang matiyak ang transparency at pagsunod sa mga itinakdang alituntunin sa police operations. Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa suspek ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto alinsunod sa mga karapatan sa ilalim ng Saligang Batas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Palanas MPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Batay sa beripikasyon ng Palanas MPS sa CIRAS, E-Rogue at E-Warrant System, lumabas na may record ang suspek bilang Tokhang Surrenderee sa CIRAS, habang walang naitalang record sa E-Rogue at E-Warrant System.

Patuloy naman ang Masbate Police Provincial Office sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga katuwang ang iba pang law enforcement agencies at komunidad upang mapanatili ang ligtas, mapayapa at drug-free na Masbate alinsunod sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Leave a Reply