Drug personality, arestado ng PRO6 sa Balasan, Iloilo; Php734 halaga ng hinihinalang shabu, narekober

0
19
Screenshot

Matagumpay na naaresto ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang isang 39-anyos na drug personality at nakumpiska ang humigit-kumulang 108 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na PhP734,400.00 sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Tingui-an, Balasan, Iloilo, bandang 11:20 ng umaga noong Agosto 12, 2026.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Ben,” walang asawa, at residente ng Balasan, Iloilo. Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng Balasan Municipal Police Station – Station Drug Enforcement Team (SDET), katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU), matapos ang serye ng intelligence validation, surveillance, at target profiling.

Narekober mula sa suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at iba pang non-drug items.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Balasan MPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, gayundin sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni PRO6 Regional Director Police Brigadier General Randulf T Tuaño ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon, na aniya ay bunga ng tuloy-tuloy na intelligence gathering, validation, surveillance, target profiling, at pakikipagtulungan ng komunidad.

“Ang pagkakaaresto sa isang HVI at pagkakasamsam ng malaking halaga ng hinihinalang ilegal na droga ay bunga ng tuloy-tuloy na intelligence gathering at mahusay na pakikipagtulungan sa komunidad. Ang mga impormasyong nakalap mula sa operasyong ito ay magsisilbi ring batayan sa mga susunod na intelligence operations upang matukoy at mapanagot ang iba pang personalidad na posibleng sangkot sa illegal drug network sa lugar,” pahayag ni PBGen Tuaño.

“Patuloy nating paiigtingin ang intelligence-driven at targeted anti-illegal drug operations, kasabay ng pagpapalakas ng police-community partnership, upang maputol ang daloy ng ilegal na droga at mapanatiling ligtas ang ating mga komunidad sa Western Visayas,” dagdag pa niya.

Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PRO6 laban sa ilegal na droga at sumasalamin sa mantra ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1ErNLiapgs/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply