Rank 3 Provincial Most Wanted Person, arestado sa kasong murder ng Obando PNP

0
18

Arestado ng Tracker Team ng Obando Municipal Police Station ang isang Top 3 Provincial Level Most Wanted Person sa isinagawang warrant operation sa Brgy. Lawa, Obando, Bulacan dakong 1130 ng umaga noong Agosto 3, 2026.

Ayon kay Police Major Erickson S Miranda, Chief of Police ng Obando MPS, kinilala ang naarestong suspek na si alyas Rody, 49 taong gulang, residente ng Brgy. Lawa, Obando, Bulacan na inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code na walang inirekomendang piyansa.

Muling binigyang diin ni Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang patuloy na pagtugis ng Bulacan PPO sa mga wanted person, lalo na sa mga sangkot sa mabibigat na krimen. Aniya, ang pagkakadakip sa isang Top Provincial Level Most Wanted Person ay patunay ng determinasyon at koordinasyon ng kapulisan upang matiyak na ang mga lumalabag sa batas ay mananagot at maibibigay ang hustisya sa mga biktima.

Source Bulacan Police Provincial Office

Leave a Reply