Rank 4 Most Wanted sa Santol, La Union, arestado sa kasong paglabag sa RA 9165

0
17

Arestado ang Rank 4 Most Wanted Person sa municipal level ng Santol bandang alas-11:40 ng gabi noong Agosto 3, 2026 sa Barangay Tubaday, Santol, La Union.

Pinangunahan ng 1st La Union Provincial Mobile Force Company (1st LUPMFC) ang operasyon, katuwang ang Santol Municipal Police Station (MPS), La Union Provincial Intelligence Unit (LUPIU), Regional Intelligence Division 1 (RID1), Regional Intelligence Unit (RIU), at LUPIT1.

Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Lion,” isang magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular sa Article II, Section 16, Paragraph 1, na tumutukoy sa cultivation o pagpapalago ng mga halamang itinuturing na dangerous drugs o pinagmumulan ng mga ito. Walang inirekomendang piyansa para sa naturang kaso.

Ang pagkakaaresto ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng Pambansang Pulisya laban sa mga indibidwal na may pananagutan sa batas, alinsunod sa layunin ng PNP na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad sa ilalim ng adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: 1st PMFC La Union

Leave a Reply