Rank 2 Most Wanted Person sa kasong murder, arestado sa Cebu City

0
21

Arestado ang isang lalaki na kabilang sa Top 2 Provincial Most Wanted Person sa isinagawang pag-aresto ng mga awtoridad sa F. Jaca St., Brgy. Inayawan, Cebu City noong Agosto 1, 2026.

Kinilala ni PCpt Troy John A Lalamunan, Officer-in-Charge ng Cebu City Police Office – Police Station 7, ang suspek na si alyas “James”, 51 anyos at residente ng Katangkungan 1, Brgy. Basak Pardo, Cebu City.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inisyu ng  7th Judicial Region Branch 23, Cebu City na walang rekomendadong piyansa.

Ang matagumpay na pag-aresto ay patunay ng mas pinaigting na kampanya ng Pambansang Pulisya upang mahuli ang mga wanted persons at mapanatili ang ligtas at mapayapang komunidad, alinsunod sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Source: Police Station 7, Cebu City Police Office

Panulat ni: Pat Flora Mae Asarez

Leave a Reply