Rank 2 Most Wanted Person sa kasong paglabag sa R.A. 9165, arestado ng mga awtoridad sa Santol, La Union

0
19

Naaresto ang isang 48-anyos na lalaki na kabilang sa Top 2 Most Wanted Person – Municipal Level matapos ang ikinasang joint operation ng mga awtoridad bandang 1:45 ng madaling araw noong Agosto 4, 2026, sa Barangay Tubaday, Santol, La Union.

Pinangunahan ng Santol Municipal Police Station (MPS) ang operasyon sa pakikipagtulungan ng 1st La Union Provincial Mobile Force Company (1st LUPMFC), La Union Provincial Intelligence Unit (LUPIU), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Regional Intelligence Unit (RIU), at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Guedno,” isang may-asawa at magsasaka na residente ng nasabing barangay. Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 16, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na hindi pinapayagan ng piyansa (non-bailable).

Patuloy na pinaigting ng kapulisan ang kampanya laban sa mga indibidwal na may pananagutan sa batas, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang ligtas at mapayapang pamayanan tungo sa isang Bagong Pilipinas.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Santol MPS

Leave a Reply