58 Tourist Police Personnel ng Cagayan PPO, sumailalim sa First Aid at Basic Life Support Training

0
77

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng mga Tourist Police Personnel sa pagtugon sa mga kritikal na sitwasyon, matagumpay na isinagawa ng Tourist Police Unit (TPU), Cagayan Police Provincial Office (CPPO) sa pamumuno ni PMaj Glenda V. Paraggua, Acting Chief, TPU, ang dalawang araw na First Aid at Basic Life Support (BLS) Training sa Cagayano Cops Multipurpose Hall, Camp Tirso H. Gador, Tuguegarao City, Cagayan noong Hulyo 28–29, 2026.

Pinangunahan nina PCol Mardito G. Anguluan, Provincial Director, kasama sina PLtCol Sherwin F. Cuntapay, Deputy Provincial Director for Administration, at PLtCol Richard R. Gatan, Chief, PARMU, ang pagbubukas ng pagsasanay.

Dinaluhan ito ng 58 Tourist Police Personnel mula sa tatlong distrito ng lalawigan ng Cagayan na sumailalim sa serye ng mga lecture at practical exercises upang mapahusay ang kanilang kaalaman at kasanayan sa wastong pagbibigay ng first aid, cardiopulmonary resuscitation (CPR), at iba pang pangunahing life-saving techniques para sa maagap na pagtugon sa mga emerhensiya.

Nagsilbing mga resource speakers ang mga registered nurses mula sa Provincial Health Office ng Cagayan na sina G. Heribert P. Umbay, Team Leader, G. Kristian D. C. Antonio, at G. Gale Patrick Guiyab, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at nagsagawa ng mga demonstrasyon hinggil sa tamang first aid procedures, Basic Life Support, at iba pang emergency response interventions. Layunin ng pagsasanay na higit pang mapaigting ang kakayahan ng mga Tourist Police Personnel sa pagbibigay ng maagap, epektibo, at makataong serbisyo sa mga turista at mamamayan.

Patuloy na pinaiigting ng Cagayan Police Provincial Office ang mga capability enhancement program para sa mga tauhan nito upang matiyak na handa silang tumugon sa anumang uri ng emerhensiya. Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay at pagpapalawak ng kanilang kakayahan, higit na mapagtitibay ang layunin ng CPPO na makapaghatid ng propesyonal, maagap, at makataong serbisyo, alinsunod sa adbokasiya ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP Cagayan PPO

Leave a Reply