Rapu-Rapu MPS, nagsagawa ng youth awareness drive sa Mananao Integrated School

0
58

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya sa crime prevention at public safety, nagsagawa ang Rapu-Rapu Municipal Police Station (MPS) ng information and awareness campaign noong Hulyo 29, 2026 sa Mananao Integrated School sa bayan ng Rapu-Rapu, Albay.

Pinangunahan ang aktibidad nina PMSg Mark S. Balaguer, Investigator PNCO, at PCpl Ma. Diane C. Bariso, WCPD PNCO, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Edwin B. Apun, Acting Chief of Police. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral sa pangunguna ni Mx. Camillo E. Arriedo, Ed.D., School Principal.

Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa mahahalagang usapin sa kaligtasan at seguridad ng komunidad. Tinalakay sa aktibidad ang mga batas laban sa Violence Against Women and their Children (VAWC), masamang epekto ng ilegal na droga, anti-bullying awareness, at ang kahalagahan ng pakikiisa ng komunidad sa kampanya laban sa terorismo at pagsuporta sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa pamamagitan ng mga talakayan, hinikayat ang mga estudyante na maging responsable, mapanuri, at mapagmatyag laban sa anumang uri ng pang-aabuso, kriminalidad, at mga banta sa kapayapaan at kaayusan. Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng bawat mamamayan, lalo na ng kabataan, sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang komunidad.

Naging matagumpay ang aktibidad sa suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Rapu-Rapu sa pamumuno ni Mayor Romel A. Galicia, bilang patunay ng matatag na ugnayan ng Philippine National Police, lokal na pamahalaan, at sektor ng edukasyon sa pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at ligtas na kinabukasan para sa kabataan.

Leave a Reply