Ilocos Sur PPO, nagsagawa ng Blood Letting Activity sa Bantay, Ilocos Sur

0
66

Matagumpay na nagsagawa ang Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO) ng isang Blood Letting Activity noong Hulyo 30, 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng AFPSLAI, Ilocos Sur Provincial Hospital–Gabriela Silang, Ilocos Sur Provincial Medical Unit, at Bantay Municipal Health Office. Layunin nitong makatulong sa pagliligtas ng buhay sa pamamagitan ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo at higit pang mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at ng komunidad.

Ipinamalas ng programa ang patuloy na dedikasyon ng Philippine National Police sa paglilingkod sa publiko at pagpapaigting ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor, alinsunod sa temang, “Sa Bagong Pilipinas, Ugnayang Pulis at Mamamayan: Tapat, Maaasahan at Nararamdaman ng Bayan.”

Sa pamamagitan ng mga gawaing makatao at pangkomunidad tulad ng bloodletting activity, patuloy na isinusulong ng PNP ang adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na nagbibigay-diin sa malasakit, pagkakaisa, at serbisyong tunay na nararamdaman ng bawat mamamayan.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Ilocos Sur PPO

Leave a Reply