Rank 1 Most Wanted Person sa kasong rape, arestado ng Agno MPS

0
29

Arestado ng mga operatiba ng Agno Municipal Police Station (MPS) ang Rank 1 Most Wanted Person sa Municipal Level sa bisa ng isang warrant of arrest bandang 11:35 ng umaga noong Hulyo 30, 2026 sa Barangay Poblacion East, Agno, Pangasinan.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Danny”, residente ng Barangay Gayusan, Agno, Pangasinan.

Isinagawa ang pag-aresto sa pamamagitan ng Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Rape Through Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A (2) ng Revised Penal Code kaugnay ng Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), na may itinakdang piyansang nagkakahalaga ng Php200,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang naaayon sa batas bago siya dinala sa himpilan ng pulisya para sa wastong dokumentasyon at iba pang kaukulang legal na proseso.

Patuloy namang pinaaalalahanan ng Agno Police Station ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagbibigay ng impormasyon upang mapabilis ang pagdakip sa mga indibidwal na may kinahaharap na kaso at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. Ang sama-samang pagkilos ng kapulisan at komunidad ay mahalaga sa pagsusulong ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Agno PS

Leave a Reply