Mahigit Php346K halaga ng hinihinalang shabu nasamsam; suspek, arestado sa Kidapawan City

0
40

Arestado ang isang 50-anyos na lalaki habang mahigit Php346,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Barangay Singao, Kidapawan City, Cotabato noong Hulyo 28, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek sa alyas na Lan, isang delivery truck driver, na inaresto matapos ipatupad ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 12, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Kidapawan City Police Station ang search warrant.

Narekober ang 12 sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 51 gramo at may tinatayang National Standard Drug Price (NSDP) na Php346,800.

“Patuloy nating tutumbukin ang mga pinagmumulan ng ilegal na droga sa ating mga komunidad. Ang bawat matagumpay na operasyon ay patunay ng ating matatag na paninindigan na panagutin ang mga lumalabag sa batas at pangalagaan ang kaligtasan ng ating mga mamamayan,” pahayag ni PBGen Manibog.

Source: Police Regional Office 12

Leave a Reply