PRO NIR, naghatid ng ligtas at mapayapang ika-5 SONA sa Negros Island Region

0
66

Matagumpay na naipatupad ng Police Regional Office Negros Island Region ang seguridad para sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nagtapos nang mapayapa at walang naitalang malaking insidente sa buong rehiyon.

Sa pagde-deploy ng halos 600 na kapulisan at sa mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, partner agencies, at force multipliers, napanatili ang kaayusan habang tinitiyak ang kaligtasan ng publiko at paggalang sa karapatang magpahayag ng bawat mamamayan.

Ipinakita ng Police Regional Office Negros Island Region na ang tunay na serbisyo ng pulisya ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatupad ng batas kundi sa pagbuo ng isang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan.

Kaakibat ng SAFE NIR Program at ng adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas,” nananatiling matatag ang PRO NIR sa paghahatid ng serbisyong may integridad, malasakit, at kahusayan para sa bawat mamayan

Writer: Pat Andrea Dominique Depalubos

Source: PRO NIR

Leave a Reply