Rank 4 Most Wanted Person sa kasong murder, arestado sa Bolinao, Pangasinan

0
65

Nadakip ng mga operatiba ng Bolinao Municipal Police Station (MPS) Tracker Team ang Top 4 Most Wanted Person Municipal level na alyas “John Rey” sa bisa ng warrant of arrest bandang alas-7:00 ng gabi noong Hulyo 27, 2026 sa Brgy. Patar, Bolinao, Pangasinan.

Ang naarestong suspek, na residente ng Brgy. San Roque, Bolinao, Pangasinan, ay nahaharap sa kasong murder. Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng Project “HOOK” COPLAN “TABOR” sa pangunguna ng Bolinao MPS Tracker Team.

Matagumpay na naaresto ang suspek nang walang naitalang insidente. Matapos ang operasyon, dinala siya sa himpilan ng Bolinao MPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago iharap sa hukuman.

Patuloy ang Philippine National Police sa pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person upang mapanagot ang mga akusado at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Bolinao MPS

Leave a Reply