Naaresto ng mga operatiba ng Tayug Municipal Police Station (MPS) ang isang babaeng akusado na ginamit sa alyas na “Evelina” bandang 2:30 ng hapon noong Hulyo 26, 2026 sa Brgy. Toketec, Tayug, Pangasinan.
Isinilbi ng mga pulis ang Warrant of Arrest laban sa suspek para sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315, Paragraph 2(a) ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 10951. Ayon sa korte, walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tayug MPS ang naarestong suspek para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasailalim sa mga nararapat na legal na proseso.
Samantala, muling iginiit ng Tayug MPS ang patuloy nitong kampanya laban sa mga lumalabag sa batas sa pamamagitan ng mas pinaigting na pagpapatupad ng mga operasyon at pagsisilbi ng mga warrant of arrest. Layunin nitong mapanagot ang mga taong may pananagutan sa batas at mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: Tayug MPS



