PRO1 nagsagawa ng send-off Ceremony para sa RMFB1 CDM Contingents

0
30

Isinagawa ang Send-Off Ceremony ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) Civil Disturbance Management (CDM) Contingents   bilang paghahanda sa 2026 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Hulyo 26, 2026 sa PRO1 Auditorium, Camp BGen Oscar M. Florendo, Parian, City of San Fernando, La Union.

Pinangunahan ni PCOL Fidel De Guzman Junio, Force Commander ng RMFB1, ang paglahok ng mga CDM contingents sa seremonya na nagsilbing hudyat ng kanilang pormal na deployment para sa seguridad ng SONA.

Dumalo rin sa programa si PCOL Emmanuel H. Reyes, Deputy Regional Director for Operations ng Police Regional Office 1 (PRO1), na nagbigay ng mensahe hinggil sa kahalagahan ng kahandaan, disiplina, at propesyonalismo ng bawat pulis sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Binigyang-diin sa seremonya ang mataas na antas ng kahandaan ng RMFB1 personnel upang matiyak ang ligtas, maayos, at mapayapang pagdaraos ng SONA 2026. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan habang iginagalang ang karapatan ng publiko sa mapayapang pagtitipon.

Patuloy na nananatiling handa ang RMFB1 sa pagsasagawa ng kanilang mandato na pangalagaan ang kaligtasan ng mamamayan at tiyakin ang kaayusan sa lahat ng mahahalagang pambansang aktibidad.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source:RMFB 1

Leave a Reply