Muling ipinamalas ng Philippine National Police ang dedikasyon nito sa pagbibigay ng mabilis at maagap na serbisyo publiko matapos umalalay ang mga tauhan ng Masbate 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) R-PSB Team Jamorawon sa mga motorista at residente na naapektuhan ng pagbaha sa Dapat, Sitio Imbudo, Brgy. Jamorawon, Milagros, Masbate.
Sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Michael P. Lorilla, Force Commander, nagsagawa ang mga kapulisan ng traffic at safety assistance upang matiyak ang ligtas at maayos na pagtawid ng mga sasakyan at mga mamamayan sa binahang kalsada. Patuloy ding mino-monitor ng mga tauhan ang sitwasyon sa lugar upang maagapan ang anumang panganib at maiwasan ang mga aksidenteng maaaring idulot ng masamang panahon.
Ipinakikita ng gawaing ito ang kahandaan at malasakit ng PNP sa pagprotekta sa buhay at kaligtasan ng publiko, lalo na sa panahon ng kalamidad. Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na police presence at agarang pagtugon, nananatiling katuwang ng komunidad ang kapulisan sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa gitna ng anumang hamon.



