Showdown Inspection, ikinasa ng NCRPO kaugnay sa SONA 2026

0
56

Ikinasa ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng liderato ni Police Major General Anthony A Aberin, Regional Director, ang showdown inspection kaugnay sa State of the Nation Address (SONA) 2026 nito lamang Hulyo 23, 2026 sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ayon kay Police Colonel Martin M Gamba, Acting Chief of the Regional Staff (ACRS), na kinatawan si RD Aberin, ang showdown inspection ay isinagawa bilang paghahanda sa deployment ng mga tauhang magbibigay ng seguridad sa SONA 2026.

Sa pamamagitan ng nasabing inspeksyon, muling pinagtibay ng NCRPO ang kanilang matatag na pangako na tiyaking ang lahat ng i-de-deploy na mga tauhan ay ganap na handa, may kumpletong kagamitan, at nakahandang gampanan ang kanilang tungkulin nang may mataas na antas ng propesyonalismo, disiplina, at mahigpit na pagsunod sa mga pamantayan ng kaligtasan at seguridad ng publiko. Ipinamalas din ng aktibidad ang patuloy na dedikasyon ng NCRPO sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at tiwala ng mamamayan sa buong panahon ng operasyon para sa SONA 2026 na napapaloob sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: National Capital Region Police Office.

Leave a Reply