Suspek sa qualified rape, arestado sa pamamagitan ng National Police Clearance ng Taguig CPS

0
69

Arestado ang isang lalaki matapos magkaroon ng hit sa pagkuha ng National Police Clearance sa himpilan ng Sub-Station 9 ng Taguig City Police Station (CPS) sa kahabaan ng Cadena de Amor Street, Barangay Wawa, Taguig City nito lamang Hulyo 21, 2026

Ayon kay Police Colonel Julius C. AƱonuevo, Chief of Police ng Taguig CPS, dahil sa paggamit ng himpilan ng makabagong digital verification system ay nalaman na may system hit ang suspek. Sa beripikasyon, nakumpirma na may umiiral na Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts of Qualified Rape of a Minor, sa ilalim ng Criminal Case Nos. 26-91802 at 26-91803 na walang inirekomendang piyansa.

Kinilala ang suspek na si alyas ā€œLouie Johnā€, 23 anyos, residente ng Barangay North Signal, Taguig City.

Samantala, pinuri ni Police Brigadier General Glenn Oliver C. Cinco, District Director ng Southern Police District, ang mga tauhan ng Taguig PNP dahil sa kanilang pagiging mapagmatyag. Binigyang-diin niya na ang pinagsamang National Police Clearance System ay nananatiling isang epektibong mekanismo sa pagtukoy at pagdakip sa mga wanted na indibidwal. Iginiit din ni PBGen Cinco na patuloy na gagamitin ng SPD ang makabagong teknolohiya at mahigpit na pagsunod sa tamang proseso ng pagpapatupad ng batas upang matiyak na mapapanagot sa hukuman ang mga taong pinaghahanap ng batas.           

Source: Taguig City Police Station

Leave a Reply