CCPO, nakiisa sa Youth Peace Summit bilang tagapag-taguyod ng kapayapaan

0
74

Nakiisa si PCol Ricky C Sumalde, Acting City Director ng Cebu City Police Office (CCPO), sa ginanap na Youth Peace Summit sa Abellana National High School noong Hulyo 20, 2026.

Naging panauhing tagapagsalita si PBGen Sarah B Abad (Ret.), PRO 7 OLCFI Adviser, na hinikayat ang mga kabataan na maging responsableng mamamayan at katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad.

Tinalakay rin sa summit ang mahahalagang paksa tulad ng Mental Health, Safe Spaces Act at Anti-Bullying, at NTF-ELCAC upang mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga kalahok.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, patuloy na pinalalakas ng CCPO ang pakikipag-ugnayan sa kabataan tungo sa pagbuo ng isang ligtas, mapayapa, at maunlad na komunidad sa ilalim ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Panulat ni Pat Flora Mae Asarez

Leave a Reply