Suspek, arestado ng PNP-MG dahil sa ilegal na pagbebenta ng baril sa Navotas

0
169
Screenshot

Inaresto ng mga operatiba ng 3rd Special Operations Unit (3rd SOU) ng PNP Maritime Group (MG) ang isang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation noong Hulyo 14, 2026 sa Valor Compound, Badeo 2, Brgy. San Jose, Navotas City.

Ayon sa paunang imbestigasyon, natunton ang suspek matapos itong makipagtransaksyon sa pamamagitan ng Messenger para magbenta ng isang Norinco 213 9mm pistol sa halagang PhP23,000.00, na nagresulta sa matagumpay na entrapment operation.

Nasamsam ng mga operatiba sa operasyon ang isang Norinco 213 9mm pistol, isang magazine, isang cellular phone, at marked money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591, kaugnay ng Section 6 ng Republic Act No. 10175.

Aga namang dinala ang suspek at mga ebidensya sa himpilan ng 3rd SOU para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Bilang bahagi sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” magpapatuloy ang PNP-MG sa pagpapatupad ng parehong mga operasyon upang masawata ang lahat ng mga ilegal na aktibidad para sa kapayapaan at kaligtasan ng ating mga komunidad.

Leave a Reply