Php1.2M halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasabat ng Iligan City PNP; 2 indibidwal, arestado

0
167

Nasabat ang nasa Php1.2 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal sa ikinasang anti-smuggling operation ng mga tauhan ng City Intelligence Unit–City Special Operations Unit ng Iligan City Police Office sa Purok 5, Sitio Mapalad, National Highway, Barangay Dalipuga, Iligan City, Lanao del Norte nito lamang Hulyo 16, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga suspek na sina alyas “Rolly,” 37 anyos, may-asawa, residente ng Poblacion A, Midsalip, Zamboanga del Sur, at alyas “Larry,” 33 anyos, may-asawa, residente ng Pindulolunan, Baroy, Lanao del Norte na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.

Nabatid na naharang ang isang puting refrigerated van truck at tumambad sa pulisya ang nasa 1,500 reams ng “PRAGON” brand ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng Php1,200,000. Agad na inaresto ang mga suspek dahil walang maipakitang legal na dokumento tulad ng pag-aangkat, clearance mula sa Bureau of Customs, mga tax stamp, o katibayan ng pagbabayad ng kaukulang customs duties at internal revenue taxes.

 “Through strengthened intelligence coordination and sustained checkpoint operations, PRO10 remains resolute in protecting legitimate trade and ensuring that individuals engaged in smuggling activities are held accountable under the law. We will continue to work closely with the Bureau of Customs and our partner agencies to curb the movement of illicit goods across Northern Mindanao,” mensahe ni RD Abrahano.

Source: Police Regional Office 10-RPIO

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply