Love Drive ng Zamboanga Sibugay PNP, umarangkada

0
226

Umarangkada ang Love Drive ng mga tauhan ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Barnard Danie V Dasugo, Provincial Director sa Maasin Elementary School, Zamboanga Sibugay nito lamang Hulyo 15, 2026.

Tinatayang nasa 156 na mag-aaral ang benepisyaryo ng naturang programa.

Masayang tinanggap ng mga mag-aaral ang kanilang mga bagong bag na may lamang bagong gamit sa eskwela tulad ng mga notebooks, lapis, payong at masayang pinagsaluhan ang Jollibee meals.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa nalikom na pondo at bukas-palad na suporta ng mga kalahok, sponsor, at mga katuwang ng Balik Eskwela Half Marathon.

Ang nasabing programa ay isang makabuluhang inisyatiba na nagbuklod sa mga indibidwal, organisasyon, at komunidad sa iisang layunin—ang matulungan ang mga bata na makapaghanda para sa pagbubukas ng bagong taon ng pag-aaral at mahikayat silang ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasyon.

“Today, we fulfill the promise we made not only by providing school supplies and food, but by reminding these young learners that they are valued, supported, and never alone in pursuing their dreams. Together, we have transformed a simple race into an opportunity to change lives and inspire hope,” saad ni PCol Dasugo.

Leave a Reply