Rank 2 Provincial Most Wanted Person sa kasong qualified rape, aresto ng La Union

0
403

Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ang Top 2 Most Wanted Persons sa antas panlalawigan sa bisa ng warrant of arrest sa isinagawang law enforcement operation dakong 12:45 ng hapon noong Hulyo 12, 2026 sa kahabaan ng McArthur Highway, Barangay Pagdaraoan, Lungsod ng San Fernando, La Union.

Pinangunahan ng mga tauhan ng City of San Fernando Police Station ang operasyon, katuwang ang La Union Provincial Intelligence and Drug Monitoring Unit (LUPIDMU), Regional Intelligence Division 1 (RID 1), La Union Provincial Intelligence Unit (LUPIU), Regional Intelligence Unit 1 – PIT La Union (RIU1-PIT), Technical Support Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 (TSC-RMFB 1), at La Union Maritime Police Station (LUMARPSTA).

Naaresto ang suspek na nakilala sa alyas na “Bok,” 68 taong gulang, may asawa, self-employed, at residente ng Barangay Sevilla, Lungsod ng San Fernando, La Union.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 3 bilang ng Qualified Rape of a Minor na walang inirekomendang piyansa, na nakatala sa Criminal Case Nos. 16023, 16025, at 16026.

Matapos maaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa umiiral na batas. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng City of San Fernando Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasailalim sa tamang proseso bago iharap sa hukuman.

Patuloy na pinaiigting ng La Union Police Provincial Office ang kampanya laban sa mga wanted person bilang bahagi ng layunin nitong mapanagot sa batas ang mga nagkasala at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: City of San Fernando, La Union

Leave a Reply