Rank 3 Municipal Most Wanted sa kasong frustrated homicide, arestado ng PRO6 sa Maasin, Iloilo

0
177
Screenshot

Patuloy na pinaiigting ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang kampanya laban sa mga wanted person matapos maaresto ng mga tauhan ng Maasin Municipal Police Station ang isang itinuring na Rank 3 Municipal Most Wanted Person sa Brgy. THT&P, Maasin, Iloilo noong Hulyo 13, 2026.

Ang naaresto, na tinukoy lamang sa alyas na “Onyok,” ay 52 taong gulang, isang Filipino laborer, at residente ng Maasin, Iloilo. Siya ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 76, Janiuay, Iloilo kaugnay ng kasong frustrated homicide.

Isinagawa ng mga tauhan ng pulisya ang operasyon alinsunod sa itinakdang proseso kung saan ipinaalam sa naaresto ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng batas sa wikang kanyang nauunawaan bago siya dinala sa pangangalaga ng Maasin Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso.

Pinuri ni PRO6 Acting Regional Director Police Brigadier General Randulf T. Tuaño ang mga operatiba dahil sa maayos at propesyonal na pagpapatupad ng warrant of arrest, habang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsunod sa batas sa bawat operasyon ng kapulisan.

Hinimok din niya ang publiko na patuloy na makiisa sa mga pagsisikap ng kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon na makatutulong sa paghahanap sa mga indibidwal na may nakabinbing kaso sa korte.

Pinaalalahanan naman ng PRO6 ang mga indibidwal na may umiiral na warrant of arrest na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad upang maayos ang kanilang legal na usapin. Hinihikayat din ang publiko na iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa opisyal na communication channels ang anumang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga wanted person.

Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng patuloy na layunin ng PRO6 sa “Responsive, Trusted, and Transformative Policing for a Safer Western Visayas” sa pamamagitan ng pinalakas na law enforcement efforts, community-oriented policing, at service-driven initiatives na nakaayon sa PNP Focus Agenda at sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Leave a Reply