1st Cagayan PMFC, nakiisa sa bloodletting activity ng DOH-CVCHD

0
108

Nakiisa ang 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Bloodletting Activity na isinagawa ng Department of Health–Cagayan Valley Center for Health Development (DOH-CVCHD) Blood Program na may temang “Wellness in Action: Donate Blood, Give Hope, Help Save Lives” noong Hulyo 11, 2026 sa SM Center Tuguegarao Downtown, Tuguegarao City, Cagayan.

Pinangunahan ni PMaj Abdel Aziz D. Maximo, Acting Force Commander ng 1st Cagayan PMFC, ang pakikiisa ng yunit sa nasabing aktibidad, kasama ang DOH-CVCHD at iba pang mga kalahok sa programa.

Bilang suporta sa layunin ng bloodletting activity, naglaan ang yunit ng mga boluntaryong blood donor upang makatulong sa pagpapanatili ng sapat na suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan at masuportahan ang mga programang pangkalusugan sa rehiyon.

Patuloy na nakikiisa ang 1st Cagayan PMFC sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan at paglilingkod sa komunidad, bilang bahagi ng patuloy nitong paghahatid ng serbisyong may malasakit, alinsunod sa adbokasiya ng Pambansang PUlisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: 1st Cagayan PMFC

Leave a Reply