2 CTG members, sumuko sa PRO8

0
109
Screenshot

Sumuko sa Police Regional Office 8 (PRO8), sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Jason L Capoy, Regional Director, ang dalawang Communist Terrorist Group (CTG) members habang naaresto naman ang isang High-Value Individual (HVI) sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Northern Samar at Samar nito lamang July 10–11, 2026.

Unang sumuko noong July 10, 2026, sa mga operatiba ng 804th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 8 (RMFB-8), katuwang ang Bobon Municipal Police Station (MPS), si alyas “Tony,” 30-year-old na magsasaka at residente ng Victoria, Northern Samar, na nag-ooperate sa ilalim ng pamumuno ni alyas “Norme.”

Sumunod namang sumuko sa mga tauhan ng Silvino Lubos MPS, katuwang ang 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company (NSPMFC) si  alyas “Vincent,” isang 27-year-old na magsasaka at residente ng Silvino Lubos, Northern Samar, na nag-ooperate naman sa  ilalim ng pamumuno ni alyas “Dodo.”

Kasalukuyan ng nasa ilalim ng kustodiya ng kani-kanilang mga istasyon ang dalawang sumukong CTG members para sa tamang dokumentasyon at ang posible nitong enrollment para sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Sa hiwalay na operasyon naaresto naman ang isang HVI sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. San Andres, Catbalogan City.

Nanguna sa operasyon ang mga tauhan ng Catbalogan City Police Station Drug Enforcement Team (SDET), katuwang ang Samar Police Provincial Office (SPPO) Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Samar, na nagresulta sa pagkaka-aresto ni alyas “Jact,” 48-year-old at self-employed na residente ng Catbalogan City.

Nakumpiska mula sa suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may estimate na timbang na 0.61 gram at Dangerous Drugs Board (DDB) value na Php4,148.00.

“These accomplishments show our personnel’s dedication to peace in Eastern Visayas. The CTG surrenders prove the success of our whole-of-nation approach, while our strict anti-drug operations show illegal activities will never be tolerated. PRO 8 remains steadfast in protecting our communities,” giit pa ni PBGen Capoy.

Bilang bahagi sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” mas papaigtingin pa ng PRO8 ang lahat ng mga kampanya nito kontro sa lahat ng uri ng kriminalidad para sa kaligtasan at kapayapaan ng buong rehiyon.

Leave a Reply