Arestado ang tinaguriang Top 10 most wanted person ng Southern Police District sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Carnation St., TS Cruz Subdivision, Brgy. Almanza 2, Las Piñas City nito lamang Hulyo 12, 2026.
Kinilala ni Police Colonel Fermin D Armendarez III, Chief of Police, Las Piñas City Police Station, ang suspek na si alyas “Bryan,” 32 anyos, walang trabaho, residente ng Brgy. Pulang Lupa 1, Las Piñas City na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 o ang Anti-Carnapping Act of 2016.
Bilang bahagi sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” patuloy na nananawagan ang SPD sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagbibigay ng impormasyon upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.



