Mas pinaigting na pagbabantay sa mga paaralan, ipinatupad ng Margosatubig MPS

0
182

Mas pinaigting ng mga personahe ng Margosatubig Municipal Police Station ang pagpapatupad ng mga hakbang para sa seguridad at kaligtasan ng mga estudyante, guro, at kawani ng mga paaralan bilang tugon sa sunod-sunod na insidenteng nagdulot ng pangamba sa sektor ng edukasyon nito lamang umaga ng Lunes, Hulyo 13, 2026, sa Margosatubig Regional Elementary School at Margosatubig Friendship School of Arts and Trade (MAFSAT), Zamboanga del Sur.

Ayon kay Police Major Dexter G Adrias, Acting Chief of Police ng Margosatubig MPS, ito ang hakbang ng pulisya upang paigtingin ang koordinasyon, kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga paaralan sa kanilang security protocols, kabilang ang masusing inspeksyon at pagbabawal sa pagpasok ng mga patalim, baril, at iba pang deadly weapons sa loob ng campus.

Nabatid na regular na nagsasagawa ng pagbabantay ang mga pulis sa paligid ng mga paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro.

Samantala, muling tiniyak ng Margosatubig MPS ang kanilang patuloy na pakikipagtulungan sa mga paaralan at lokal na pamahalaan upang mapanatili ang ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran para sa mga mag-aaral, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na maghatid ng de-kalidad na serbisyo publiko.

Leave a Reply