Matagumpay na naipamahagi ang mga aklat sa Pinaripad Norte Elementary School, Aglipay, Quirino sa pamamagitan ng Project “Aklatang Katutubo” noong Hulyo 9, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month.
Pinangunahan ng Quirino Police Provincial Office, kaagapay ang Aglipay Police Station at Sierra Falcones, Inc., ang turnover ng mga aklat na donasyon ng Diwa Learning Systems, Inc. at Bato Balani Foundation, Inc. para sa mga mag-aaral ng Pinaripad Norte ES.
Sa isinagawang programa, pormal na ipinagkaloob ang mga reading materials na inaasahang makatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman, pagpapahusay ng reading comprehension, at pagpapaunlad ng kakayahan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ipinakita rin ng aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng kapulisan at iba’t ibang sektor sa pagsusulong ng edukasyon sa komunidad.
Layunin ng Project “Aklatang Katutubo” na suportahan ang paglinang ng kultura ng pagbabasa at magbigay ng mas maraming oportunidad sa pagkatuto ng mga kabataan, lalo na sa mga mag-aaral sa mga pamayanang nangangailangan ng karagdagang kagamitan sa paaralan.
Source: Quirino PPO Valley Cops



