Pinangunahan ng mga tauhan ng Sarangani Police Provincial Office ang clearing operation bunsod ng landslide na pansamantalang humarang sa kalsada sa Tour Town, Barangay Kapatan, Glan, Sarangani Province noong Hulyo 10, 2026.
Sa pamamagitan ng maagap na pagkilos ng mga rumespondeng grupo, matagumpay na nalinis ang naturang kalsada at muli na itong naging ligtas at nadadaanan ng mga motorista at residente.
Patuloy namang binabantayan ng mga pulis ang lugar habang nagpapatuloy ang masamang panahon upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at makapagbigay ng agarang responde sakaling magkaroon ng panibagong pagguho ng lupa o iba pang insidente dulot ng pag-ulan.
Samantala, pinuri ni Police Regional Office 12 Acting Regional Director na si Police Brigadier General Alan B Manibog, ang mga rumespondeng pulis sa kanilang mabilis at dedikadong pagtugon sa insidente.
Sa bawat landslide na humaharang sa daan, mas matatag ang ating paninindigang maglingkod. Habang may unos, mananatili ang kapulisan sa tabi ng mamamayan upang tiyakin ang kanilang kaligtasan at panatilihing bukas ang landas ng pag-asa. Ani PBGen Manibog.



