Mahigit Php175K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa PNP buy-bust sa South Cotabato

0
313

Nasamsam ang Php175,372 halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Kipalbig, Tampakan, South Cotabato noong Hulyo 9, 2026.

Pinangunahan ang operasyon ng South Cotabato Police Provincial Drug Enforcement Unit at Tampakan Municipal Police Station–Municipal Drug Enforcement Unit, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 12.

Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas Joemar, 30 taong gulang at residente ng naturang lugar.

Nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang tinatayang 25.79 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na humigit-kumulang Php175,372, buy-bust money, at iba pang non-drug items, at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Hindi tayo titigil hangga’t may mga nagtatangkang magkalat ng ilegal na droga sa ating mga komunidad. Patuloy nating paiigtingin ang ating kampanya upang maprotektahan ang kinabukasan ng bawat pamilyang Pilipino, ani ni PBGen Manibog.

Leave a Reply