Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Police Community Relations (PCR) Month, nagsagawa ang Police Regional Office 3 (PRO3), sa pamamagitan ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD), ng isang bloodletting activity noong Hulyo 7, 2026 sa Makatao Activity Center, Camp Captain Julian Olivas, City of San Fernando, Pampanga.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital bilang patunay ng patuloy na pagsusulong ng Philippine National Police sa makatao at makabuluhang serbisyo sa ilalim ng adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Pinangunahan ng RCADD sa ilalim ni PCol Ferdinand D. Germino ang nasabing aktibidad na nilahukan ng mga tauhan ng PRO3 at mga boluntaryong donor mula sa iba’t ibang yunit. Naging tampok din sa programa ang pagdalo ni PCol Maharlika Oscar C. Villasis, Chief of the Regional Staff, na nagpahayag ng suporta sa adhikaing makapag-ambag sa pagsagip ng buhay sa pamamagitan ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo.
Patunay ang bloodletting activity na ang serbisyo ng kapulisan ay hindi nagtatapos sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi maging sa pagsusulong ng malasakit, pagkakaisa, at bayanihan sa komunidad. Sa paggunita ng PCR Month, muling ipinamalas ng PRO3 ang kanilang dedikasyon sa pagiging tunay na katuwang ng komunidad sa pagtataguyod ng isang mas ligtas, mas maayos, at mas makataong lipunan.
Source: PRO 3



