MPD at Lokal na Pamahalaan, nagkaisa sa paghahanda para sa UPI rally at Bagyong Inday

0
42

Pinangunahan nina Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Vice Mayor Chi Atienza, at Manila Police District (MPD) District Director PBGen Atty. Arnold C Santiago ang Manila Police District Command Conference noong Hulyo 9, 2026 upang pagtibayin ang kahandaan ng lungsod sa harap ng inaasahang pagdaraos ng rally ng United People’s Initiative (UPI) at ng posibleng epekto ng Bagyong Inday.

Tinalakay sa pulong ang pinakahuling weather updates, mga security measures, at iba pang operational preparations upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Maynila.

Binigyang-diin sa command conference ang kahalagahan ng matibay na koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan, Manila Police District, at iba pang kaugnay na ahensya upang masiguro ang maagap at epektibong pagtugon sa anumang sitwasyong maaaring idulot ng sama ng panahon at ng inaasahang pampublikong pagtitipon. Inihanda rin ang mga coordinated response measures upang mapangalagaan ang kapakanan ng mamamayan at matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga plano sa seguridad at disaster preparedness.

Patuloy na isinusulong ng MPD ang isang ligtas, maayos, at matatag na komunidad sa pamamagitan ng maagap na pagpaplano at mahusay na pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya, kaakibat ang adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PBGen Arnold C Santiago Facebook Page

Leave a Reply