School supplies at Learning Materials, hatid ng RMFB 13 sa Mamanwa IPs Learners

0
158

Hatid ng Regional Mobile Force Battalion 13 sa Mamanwa Indigenous Peoples (IPs) na mag-aaral ang school supplies at learning materials bilang tugon ng Revitalized Pulis Sa Barangay (RPSB) Quick Impact Project sa Children’s Learning Center for Indigenous People sa Brgy. Canaway, Kitcharao, Agusan del Norte nito lamang Miyerkules, Hulyo 8, 2026.

Naging posible ang aktibidad sa pangunguna ni Police Colonel Michael B. Lozada, Force Commander ng RMFB 13 sa pakikipagtulungan ng 1305th Maneuver Company sa ilalim ng liderato ni Police Captain Hedwig P. Taylan, Officer-in-Charge, bilang bahagi ng 31st Police Community Relations (PCR) Month na may temang, Sa Bagong Pilipinas, Ugnayang Pulis at Mamamayan Tapat, Maaasahan at Nararamdaman ng Bayan at sa pakikipagtulungan ng National Police Commission (NAPOLCOM) Caraga sa pamumuno ni Regional Director Dir. Josephmar B. Gil, CESO IV.

Nabatid na 27 mag-aaral mula sa tribong Mamanwa ang tumanggap ng school supplies at learning materials, na makakatulong sa kanilang pag-aaral.

Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na ugnayan ng RMFB13 at NAPOLCOM Caraga sa pagbibigay ng tulong pang-edukasyon sa mga mag-aaral na naninirahan sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs). Sa pamamagitan ng ganitong pagtutulungan, muling pinagtitibay ng dalawang ahensya ang kanilang pangako na isulong ang de-kalidad na edukasyon at palawakin ang mga oportunidad sa pagkatuto para sa mga Indigenous People Community na napapaloob sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman”.

Knee sent 4 photos

Leave a Reply