Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations (PCR) Month, nagsagawa ang Piddig Municipal Police Station (MPS) ng isang outreach activity kung saan namahagi ng grocery packs sa mga dating miyembro ng Communist Front Organizations (CFOs) at mga piling pamilyang nangangailangan sa Bayan ng Piddig, Hulyo 6, 2026.
Pinangunahan ni Police Major Joseph B. Bantullay, Officer-in-Charge ng Piddig MPS, ang nasabing aktibidad kasama ang mga tauhan ng himpilan bilang pagpapakita ng malasakit at pagpapatibay ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa komunidad.
Alinsunod sa temang, “Sa Bagong Pilipinas, Ugnayang Pulis at Mamamayan: Tapat, Maaasahan at Nararamdaman ng Bayan,” layunin ng aktibidad na higit pang mapatatag ang tiwala at kooperasyon ng mamamayan sa kapulisan sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng komunidad.
Patuloy na isinusulong ng Piddig MPS ang mga programang nagpapalakas sa ugnayan ng pulisya at komunidad bilang katuwang sa pagtataguyod ng isang ligtas, mapayapa, at maunlad na pamayanan, alinsunod sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: Piddig MPS



