Php174K halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa GenSan; tricycle driver, arestado

0
108

Nasabat ang nasa Php174,488 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang search warrant operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 53-anyos na tricycle driver sa Barangay Lagao, General Santos City noong Hunyo 26, 2026.

Kinilala ni Police Colonel Eric De Venancio, Acting City Director ng General Santos City Police Office, ang suspek na si alyas “Poldo,” na nadakip ng mga tauhan ng General Santos City Police Drug Enforcement Unit, General Santos Police Station 3, at City Intelligence Unit ng General Santos City Police Office, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 12 (PDEA 12).

Sa pagpapatupad ng search warrant sa tirahan ng suspek, narekober ang tatlong sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 25.66 gramo, gayundin ang isang digital weighing scale.

Kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.

Ang ilegal na droga ay walang lugar sa SOCCSKSARGEN. Patuloy nating paiigtingin ang ating intelligence-driven at law enforcement operations upang mahuli ang mga nagtutulak ng ilegal na droga at maprotektahan ang kinabukasan ng ating mga mamamayan, ani Police Brigadier General Alan Manibog, Regional Director ng Police Regional Office 12.

Leave a Reply