Serbisyo Caravan ng Ilocos Sur, naghatid ng libreng serbisyo at pinalakas ang kamalayan ng komunidad sa anti-bullying at ilegal na droga

0
200

Matagumpay na isinagawa ang Serbisyo Caravan sa Brgy. San Miliano, San Emilio, Ilocos Sur sa pangunguna ng 102nd Maneuver Company sa ilalim ng superbisyon ni PCpt Oliver L. Gaspar, ACC, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng San Emilio at iba pang ahensya ng gobyerno noong Hunyo 26, 2026.

Layunin ng aktibidad na mailapit ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan sa mga residente. Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang libreng gupit, supplemental feeding program, libreng medical at dental check-up, at mga lecture tungkol sa anti-bullying at kampanya laban sa ilegal na droga.

Nagbigay rin ng seguridad ang mga kapulisan sa buong programa upang matiyak ang maayos at ligtas na pagsasagawa ng aktibidad.

Sa pamamagitan ng Serbisyo Caravan, muling ipinakita ng mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang pagkakaisa at patuloy na dedikasyon sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyo at pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng komunidad at ng kapulisan.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source:102nd MC, RMFB 1

Leave a Reply