La Union, nakiisa sa Project D.A.R.A Blood Donation Drive

0
227

Lumahok ang La Union Police Provincial Office (LUPPO) sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Redentor C. Ulsano, Provincial Director, sa isinagawang Project D.A.R.A. (Dara ti Agtutubo, Ranud nga Ayat) Blood Donation Drive ngayong Hunyo 26, 2026 sa SM City La Union, Brgy. Biday, Lungsod ng San Fernando.

Ang Project D.A.R.A. ay pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union sa pamamagitan ng Provincial Youth, Education, Sports and Development Office, katuwang ang Philippine Red Cross La Union Chapter at SM City La Union, bilang suporta sa patuloy na pangangailangan ng mga ospital sa sapat na suplay ng dugo.

Matagumpay na nakapag-donate ng dugo ang 18 na tauhan ng Philippine National Police mula sa Provincial Mobile Force Company, Provincial Headquarters, at iba’t ibang himpilan ng pulisya matapos sumailalim sa kinakailangang health screening at eligibility assessment.

Layunin ng Project DARA na mapalakas ang blood supply ng lalawigan, matiyak ang kahandaan sa oras ng mga medikal na emerhensiya at sakuna, at makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang blood transfusion.

Sa pamamagitan ng kanilang boluntaryong pakikilahok, muling ipinakita ng LUPPO ang dedikasyon ng kapulisan hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi maging sa pagsusulong ng kalusugan, pagkakawanggawa, at paglilingkod sa komunidad.

Panulat ni PMSg  Carmela G Danguecan

Source: LUPPO

Leave a Reply