8,405 pulis ng NCRPO, naka-antabay sa pagbibigay seguridad at kaayusan sa 128th Independence Day

0
46

Nakaantabay ang nasa 8,405 na pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa pagbibigay ng seguridad at kaayusan sa 128th Independence Day sa iba’t ibang parte ng Kalakhang Maynila nito lamang Biyernes, Hunyo 12, 2026.

Ayon kay Police Major General Anthony A Aberin, Regional Director ng NCRPO, tututok ang kapulisan sa police visibility, traffic management, checkpoint operations, border control, emergency response, at iba pang law enforcement activities upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay ang pangako ng NCRPO na protektahan ang mamamayan at mapanatiling ligtas ang pamayanan sa ilalim ng layunin na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply