NCRPO, nanindigan sa maximum tolerance sa gitna ng pagiging agresibo at paninira ng barikada ng mga raliyista

0
121

Nanindigan ang bumubuo ng National Capital Region Police Office sa pagpapakita ng maximum tolerance sa gitna ng pagiging agresibo at paninira sa barikada ng ilang mga raliyista sa kahabaan ng Kalaw St., Ermita, Manila kaugnay sa pagdiriwang ng 128th Independence Day nito lamang Biyernes. Hunyo 12, 2026.

Tiniyak ng NCRPO sa ilalim ng liderato ni Police Major General Anthony A Aberin, Regional Director, na ang pagiging propesyonal sa pag-handle sa mga malalakihang pagtitipon at pagpapatupad ng maximum tolerance ng bawat pulis ay upang maiwasang magkaroon ng kaguluhan.

Bagama’t may iilang raliyista na naging agresibo at itinumba at sapilitang sinisira ang nakalagay na barikada, hindi pa rin umobra ito sa kapulisan at kontrolado ang mga galaw upang mapanatili ang kaayusan at maiwasang magkasakitan sa pagitan ng mga raliyista at pulisya.

Nanawagan na man ang PNP na may karampatang parusa ang sinumang lalabag sa batas at iminungkahi na maging mahinahon sapagkat ang kapulisan ay hindi kalaban, bagkus nagpapatupad lamang ng batas na may adhikain na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: RMFB NCRPO

Leave a Reply