Ika-128 araw ng kalayaan, kaisang ipinagdiriwang ng PRO-NIR

0
97

Nakiisa ang buong hanay ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO-NIR), sa pamumuno ni PBGen Romano V Cardiño, Acting Regional Director, sa paggunita ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang, “Kalayaan. Kasaysayan. Kinabukasan,” sa Camp Alfredo S. Montelibano Sr., Brgy. Estefania, Bacolod City, nito lamang ika-12 ng Hunyo 2026.

Sa pag-alala sa kagitingan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bansa, muling pinagtibay ng PRO NIR ang matatag nitong pangako na pangalagaan ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng mamamayan sa buong Negros Island Region.

Binigyang-diin ni PBGen Cardiño na ang tunay na diwa ng kalayaan ay hindi lamang paggunita sa ating makasaysayang nakaraan kundi ang patuloy na pagkakaisa ng bawat Pilipino sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at maunlad na kinabukasan.

Kasabay ng pagdiriwang, ipinamalas ng PRO-NIR ang dedikasyon nito sa pagsusulong ng adbokasiya ng Philippine National Police sa ilalim ng panawagang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas,” sa pamamagitan ng paghahatid ng “Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman” para sa bawat mamamayan.

Sa pagpapatuloy ng kanilang tungkulin bilang tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan, nananatiling kaagapay ng sambayanan ang PRO-NIR sa pagpapanatili ng mga tagumpay ng kalayaan at sa pagbuo ng isang mas ligtas at mas matatag na Negros Island Region para sa susunod na henerasyon.

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Leave a Reply