Medical mission, isinagawa sa Umingan, Pangasinan; 250 nagbenepisyo

0
79

Matagumpay na naisagawa ang isang medical mission sa Barangay Sta. Maria, Umingan, Pangasinan, sa pakikipagtulungan ng Paramount Hemodialysis Center noong Hunyo 7, 2026, na naglalayong maghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga miyembro ng komunidad, partikular sa mga Indigenous Peoples (IPs).

May kabuuang 250 benepisyaryo, karamihan ay mga katutubo, na nakatanggap ng iba’t ibang serbisyong medikal at panlipunan. Kabilang dito ang libreng medical at dental consultation, pagbunot ng ngipin, minor surgical procedures, tuli, pamamahagi ng gamot, libreng gupit, at feeding program para sa mga bata at kanilang mga pamilya.

Pinangunahan ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company (2nd PMFC), katuwang ang mga healthcare professionals, volunteers, at Paramount Hemodialysis Center, ang naturang aktibidad bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap na mapalawak ang akses sa serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad na higit na nangangailangan ng tulong at suporta.

Ipinakita ng medical mission ang patuloy na dedikasyon ng kapulisan at mga katuwang nitong organisasyon sa paghahatid ng inklusibo at makataong serbisyo publiko, habang isinusulong ang adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na naglalayong mailapit ang mga serbisyo sa mamamayan at mapabuti ang kanilang kalusugan, kapakanan, at kalidad ng pamumuhay.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: 2nd PMFC Pangasinan

Leave a Reply