Nagsagawa ng courtesy call si PBGen Mariano C. Rodriguez, Acting Regional Director ng Police Regional Office 2 (PRO2), kay House Speaker Hon. Faustino “Inno” Dy III noong Hunyo 8, 2026 sa Lungsod ng Cauayan, Isabela.
Layunin ng nasabing pagbisita na higit pang mapalakas ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at ng liderato ng lehislatura. Nagsilbi rin itong pagkakataon upang pagtibayin ang kanilang pagkakaisa sa pagsusulong ng mga programa at inisyatibang makatutulong sa kapakanan ng mamamayan sa Rehiyon Dos.
Sa naging pagpupulong, tinalakay ng dalawang opisyal ang mahahalagang usapin kaugnay ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pagpapalakas ng kaligtasan ng publiko, at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pag-unlad at kapakanan ng mga komunidad sa buong rehiyon.
Binigyang-diin din ng magkabilang panig ang kahalagahan ng matibay na koordinasyon at pagtutulungan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan upang matiyak ang epektibong paghahatid ng mga serbisyo para sa publiko. Ang nasabing hakbang ay kaakibat ng adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na naglalayong maghatid ng mas maayos at makataong serbisyo sa bawat mamamayan.
Source: Police Regional Office 2
Panulat ni Pat Leinee Lorenzo



