Top 1 Regional Most Wanted Person sa kasong rape, arestado sa Tayasan, Negros Oriental

0
309

Sa isang matagumpay na operasyon, naaresto ng mga operatiba ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO-NIR) ang No. 1 Regional Most Wanted Person sa Tayasan, Negros Oriental, Hunyo 6, 2026 sa Sitio Layawan II, Barangay Bago, Tayasan, Negros Oriental.

Kinilala ang suspek na may alyas na “Jim,” 42 taong gulang, walang asawa, at isang magsasaka, na nahaharap sa apat na bilang ng kasong rapes.

Ang pagkakahuli kay “Jim” ay hindi lamang isang tagumpay para sa PNP kundi isa ring matibay na mensahe na ang mga alagad ng batas ay handa at masigasig sa kanilang tungkulin na panatilihin ang seguridad at kaayusan sa ating lipunan.

Sa kanilang pagsunod sa mga prinsipyo ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas,” itinatampok ng PRO NIR ang layunin nitong maihatid ang “Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Ang pagkakasunod-sunod ng mga operasyong ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng PNP sa kasalukuyang Focused Agenda, kung saan ang bawat isa ay nagsisilbing gabay sa kanilang mga aksyon upang tiyakin ang kaligtasan at pagkakaroon ng tiwala ng mga mamamayan.

Sa kanilang mga pagsusumikap, ipinapakita ng PNP ang kanilang tunay na layunin na huwag lamang mapanatili ang kapayapaan kundi pati na rin ang pagkakaroon ng katarungan para sa mga biktima ng krimen.

Tiniyak naman ng PRO-NIR sa publiko na hindi titigil sa pagtugis sa lahat ng mga wanted persons bilang bahagi ng kanilang hangarin na tumugon sa mga hamon ng lipunan at pagbibigay ng mas ligtas at mas mapayapang komunidad para sa lahat.

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Source: PRO NIR

Leave a Reply