No. 7 Regional MWP sa kasong statutory rape, arestado sa San Jose, Negros Oriental

0
220

Aresto ng San Jose Municipal Police Station (MPS), sa ilalim ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOrPPO), ang No. 7 Regional Most Wanted Person (MWP) sa isinagawang Oplan Tracker noong Hunyo 5, 2026 sa Barangay Tapon Norte, San Jose, Negros Oriental.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Car,” 19 taong gulang, walang trabaho, at residente ng Barangay Siapo, San Jose, Negros Oriental. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng kasong statutory rape.

Ang matagumpay na operasyong ito ay sumasalamin sa matatag na pagpapatupad ng PNP sa Focused Agenda, partikular sa pagpapaigting ng law enforcement operations, pagpapalakas ng crime prevention efforts, at pagtitiyak ng ligtas na kapaligiran para sa bawat mamamayan, lalo na sa mga kabataan na kabilang sa mga pinaka-vulnerable na sektor ng lipunan.

Patuloy na isinusulong ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO-NIR) ang SAFE NIR Program bilang bahagi ng kanilang mas agresibo at mas epektibong kampanya laban sa mga wanted person at iba pang lumalabag sa batas.

Layunin nitong tiyakin na ang bawat indibidwal na may kinakaharap na kaso ay mapapanagot sa batas, habang pinananatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon.

Ang pagkakaaresto sa isa sa mga most wanted na personalidad sa rehiyon ay malinaw na patunay ng dedikasyon, propesyonalismo, at malasakit ng kapulisan sa kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan ang mamamayan at itaguyod ang hustisya.

Sa ilalim ng adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” nananatiling matatag ang kapulisan sa paghahatid ng serbisyong may integridad, agarang aksyon laban sa kriminalidad, at tunay na malasakit para sa kapakanan ng sambayanan.

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Source: PRO NIR

Leave a Reply