School supplies distribution, pinangunahan ng 1st Cotabato PMFC

0
483

Pinangunahan ng mga tauhan ng 1st Cotabato Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang school supplies distribution kasabay ng pagbubukas ng klase sa Tagbac Central Elementary School sa Brgy. Tagbac, Magpet, North Cotabato, nito lamang Hunyo 8, 2026.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Heilbronn G. Okoren, Force Commander, ang naturang aktibidad sa pagtutulungan ng stakeholder at ng Colegio de Kidapawan (CDK).

Samantala, ngiti at pasasalamat naman ang handog ng mga kabataan sa kapulisan at stakeholders sa mga gamit na pang-eskwela na natanggap.

Ang aktibidad ay alinsunod sa programang Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB), na nagpapalakas ng pakikipagtulungan sa pagitan ng pulisya at komunidad sa pamamagitan ng mga gawa ng paglilingkod, pakikiramay, at responsibilidad sa lipunan na may kaugnayan sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply