PRO6, mas pinaigting ang seguridad sa mga tourist hub sa Western Visayas

0
210
Screenshot

Pinalalakas pa ng Police Regional Office 6 (PRO6), sa ilalim ng pamumuno ni Acting Regional Director, PBGen Randulf T. TuaƱo, ang mga operasyon at hakbang pansiguridad sa buong Western Visayas, na may tuloy-tuloy na pagtutok sa mga pangunahing destinasyong panturismo upang matiyak ang kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan sa rehiyon.

Bilang bahagi sa nasabing inisyatiba, pinatatag ng PRO6 ang police visibility at koordinasyon sa mga pangunahing lugar na dinarayo ng turista, partikular sa Boracay Island sa Malay, Aklan, at iba pang kilalang destinasyon sa hilagang Iloilo, kasabay ng patuloy na pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista.

Sa kanyang pahayag sa radio program na ā€œReklamo Publiko,ā€ kamakailan lamang, binigyang-diin ni PBGen TuaƱo ang kahalagahan ng malakas na presensya ng seguridad sa mga lugar panturismo sa rehiyon.

Binigyang-diin din niya na patuloy na pinalalakas ng PRO6 ang intelligence-driven operations, proaktibong mga operasyon, at pakikipag-ugnayan sa komunidad upang mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang iba pang mga ilegal at kriminal na aktibidad sa rehiyon.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen TuaƱo, nananatiling matatag ang PRO6 sa kampanya nito para sa ā€œResponsive, Trusted, and Transformative Policingā€ tungo sa mas ligtas na Western Visayas, alinsunod sa layunin ng PNP na ā€œBagong PNP Para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.ā€

Pinananatili rin ng PRO6 ang mahigpit na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at mga stakeholder ng turismo upang matiyak ang tuloy-tuloy na seguridad sa mga terminal, dalampasigan, at iba pang mga pampublikong lugar, lalo na sa mga high-tourism areas, bilang suporta sa ligtas at maayos na mga komunidad sa Western Visayas.

Leave a Reply